Aces, Giants mag-uunahan sa Game 1
MANILA, Philippines - Kung naresolbahan ng Giants ang malakas na opensa ng Beermen, bakit hindi ang pamatay na ‘Triangle Offense’ ng Aces.
“They are running the triangle very smoothly at this point,” sabi ni Purefoods Tender Juicy head coach Ryan Gregorio sa Alaska ni Tim Cone. “Alaska is scoring well and their offense is in sync. What we need to do is to disrupt it.”
Sumandig sa kanilang mabigat na depensa, tinalo ng Purefoods ang San Miguel, 4-2, sa kanilang best-of-seven semifinals series, samantalang winalis naman ng Alaska ang Barangay Ginebra, 4-0.
Ito ang pang pitong finals confrontation ng Aces at Giants kung saan ang huli ay noong 2002 Governors Cup na pinagharian ng Purefoods, 4-3.
Magtatagpo ang Purefoods at Alaska sa Game One ng kanilang best-of-seven titular showdown ngayong alas-7:30 ng gabi para sa 2009-2010 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Paglalabanan naman ng Ginebra at San Miguel ang third place trophy sa unang laro sa ganap na alas-5 ng hapon.
Alam ni Cone na gagamitin rin ni Gregorio sa kanyang Aces ang depensang ibinigay ng Giants sa Beermen.
“They really did a great job taking San Miguel’s game away. I’m sure a lot of people thought that San Miguel didn’t play well in the series against Purefoods, but in reality, Purefoods was the reason why San Miguel wasn’t playing well. They confused San Miguel with their variety of defenses,” ani Cone.
Iginupo ng Alaska ang Purefoods, 101-87, sa kanilang unang paghaharap noong Nobyembre 22 at nakabawi naman ang huli via 94-77 win noong Enero 15.
Nasa kanilang pang 21st finals stint ang Giants, 13 rito ay sa isang All-Filipino conference, habang nasa kanilang ika-24th finals appearance naman ang Aces.
Asam ni Gregorio ang kanyang pangatlong PBA crown at ikalawa sa isang All-Filipino tournament makaraang magkampeon sa 2006 PBA Philippine Cup.
Hangad naman ni Cone ang kanyang ika-13th PBA crown upang makalapit sa rekord na 15 ng maalamat na si mentor Virgilio “Baby” Dalupan.
Sakaling makamit ng Uytengzu franchsie ang kanilang pang 13th championship trophy, matutumbasan na nito ang mga nakuhang korona ng Crispa Redmanizers. (RC)
- Latest
- Trending