P.5 milyon nakataya sa 2010 Seasports Festival

MANILA, Philippines - Mga pangunahing atleta ng bansa ang magtatagisan ng lakas sa muling pagtatanghal ng Seasports Festival ngayong ika-20 at 21 ng Marso.

Isang proyekto ng Manila Broadcasting Company, SM Mall of Asia, at Lungsod ng Pasay, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Seasports Festival ay susukat ng galing at lakas sa pagsagwan ng mga dragon boat, ga­yundin sa pangangarera ng mga bangkang de-motor. Sa taong ito, magkakaroon din ng exhibition ng jetski. Mahigit kalahating milyon ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, na gaganapin sa likuran ng MOA, sa lugar na tinaguriang “San Miguel By the Bay,” kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga naturingan atletang dagat mula sa iba’t-ibang sulok ng ka­puluan.  

Show comments