^

PSN Palaro

Donaire handang talunin si Vargas sa 'Pinoy Power 3'

-

MANILA, Philippines - Handang-handa na si Nonito “The Filipino Flash“ Donaire, Jr. para sa kanyang unang title de­fense sa suot na interim super flyweight crown laban kay Mexican challenger Manuel Vargas.

“Talagang nag-ensayo ako. Lahat ng sakripisyo ginawa ko para siguradong 100% ako sa laban,” wika ni Donaire sa panayam kahapon ni ABS-CBN sports correspondent Dyan Castillejo.

Nakatakdang ipagtatanggol ni Donaire ang kan­yang hawak na World Boxing Association (WBA) interim super flyweight title laban kay Vargas bukas sa “Pinoy Power 3/Latin Fury 13” sa Las Vegas Hilton sa Las Vegas, Nevada.

Dahil sa pagkakaroon ng ‘detached retina’, hindi pinayagan ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) si Guerrero na hamunin si Donaire.

Ayon sa manager na si Cameron Dunkin, hin­di makakaapekto kay Donaire ang biglaang pagbabago ng kalaban sa katauhan ni Vargas, tinalo ni World Boxing Organization (WBO) minimumweight king Donnie “Ahas” Nietes sa kanyang huling laban.

“He was called in as an opponent. He’s totally comfortable with this. He’s very adaptable and he’s the kind of a kid who can pretty much fight any style. The change won’t bother him a bit,” ani Dunkin.

Ibabandera ni Donaire ang kanyang 22-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 14 KOs, habang dala naman ni Vargas ang 26-4-1 (11 KOs) slate.

Bukod kay Donaire, lalaban din si Gerry Peñalosa na nagnanais na manalo ng world title kung tatalunin niya ang kalabang si Eric Morel.

Tampok rin sa ‘Pinoy Power 3’ sina Bernabe Concepcion, Mark Melligen at Ciso Morales na haharap kina, Mario Santiago, Raymond Gatica at Fernando Montiel, ayon sa pagkakasunod.

Ang naturang mga la­­ban ay mapapanood bukas (Pebrero 14 sa ABS-CBN at delayed telecast naman sa Studio 23 simula alas-11:30 ng umaga. (Russell Cadayona)

BERNABE CONCEPCION

CAMERON DUNKIN

CISO MORALES

DONAIRE

DYAN CASTILLEJO

ERIC MOREL

FERNANDO MONTIEL

FILIPINO FLASH

PINOY POWER

VARGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with