Lyceum maagang nagparamdam sa WNCAA
MANILA, Philippines - Maningning na binuksan ng Lyceum ang kanilang kampanya sa pagpapanatili ng kanilang korona sa pagposte ng impresibong panalo laban sa Univ. of Sta. Isabel Legazpi City, 89-41 sa basketball at pagpapayuko naman sa Faith School of Batangas, 25-8, 25-11, 25-13 sa volleyball sa pagsisimula ng sixth National WNCAA (Women’s National Collegiate Athletic Association) sa Biñan, Laguna kahapon.
Tumapos si Mika Cortez ng 23 puntos, habang nagsumite sina Len Flormata at Hazel Mantaring ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod at maagang ipinakita ng Lady Pirates ang kanilang supremidad bago itinakas ang one-sided na panalo na sinaksihan ng malaking bilang ng manonood sa Biñan Multi Purpose Hall.
Umasinta naman si Vanome Haruka ng 11 puntos at tig-8 naman sina Maya Escober at Chris Ponte para sa Sta.Isabel na hindi na nakabalik mula sa 18-40 deficit sa first half.
Nauna rito, inihagis ni Biñan Mayor Marlyn ‘Len Len’ Alonte Naguiat ang ceremonial toss bilang hudyat ng pagbubukas ng apat na araw na tournament at ini-host ng probinsiya sa unang pagkakataon na nilahukan ng tig-walong koponan sa basketball at volleyball competitions.
Sa iba opang resulta, niyanig ng La Salle-Dasmariñas ang Tarlac State University, 105-43 habang nakalusot ang University of Perpetual Help Laguna sa University of Asia and Pacific, 66-60.
- Latest
- Trending