^

PSN Palaro

ABAP nakapili na ng mga amateur boxers na isasama sa national pool

-

PUERTO PRINCESA CI­TY , Philippines --Ilang potensyal na amateur boxers ang mabibigyan la­mang ng pagkakataon para ma­ging miyembro ng national training pool.

Nagsara na kahapon ang 2010 SMART-ABAP National Open dito.

Kabilang sa mga umagaw ng eksena ay sina Victorio Sa­­ludar at Mark Anthony Bar­riga ng Davao del Norte, Engelbert Moralde ng Davao City, Albert Pagala ng Misamis Oriental at James Palicte ng Baguio City.

Ang lima ang ilalahok ng ABAP para sa 2010 Olympic qualifying tourney sa Baku, Azer­baijan sa Abril at sa 2010 Youth Olympic Games sa Singapore sa Agosto.

Pinatigil ni Saludar si Kevin James Gob ng Tayabas City sa 1:35 sa first round para angkinin ang youth boys’ bantamweight crown.

Tinalo naman ni Barriga si Albert Sumugat ng Palawan A, 21-5, para kunin ang junior boys’ pinweight class.

Ginulpi ni Moralde si Jeff Rodriguez ng Puerto Princesa C, 12-3, upang pagharian ang ju­nior boys’ light flyweight title, samantalang binugbog nina Pagala at Palicte sina Mario Fernandez ng Ablayan, Bukidnon, 18-4, at Robert Tompong ng Palawan A, 15-9, ayon sa pag­kakasunod, para ibulsa ang junior boys’ flyweight at bantamweight titles.

“These are the boxers that we’re looking at,” ani RP Team head coach Pat Gaspi, naka­sama sina Roel Velasco, Boy Catolico at Romeo Brin.

Ang Davao del Norte ang sumilo sa overall title mula sa kanilang anim na gold, isang silver at limang bronze medals.

Limang boxers ang kailangan ng ABAP sa lalaki at 9 sa babae para makumpleto ang koponan.

ALBERT PAGALA

ALBERT SUMUGAT

ANG DAVAO

BAGUIO CITY

BOY CATOLICO

DAVAO CITY

ENGELBERT MORALDE

JAMES PALICTE

PALAWAN A

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with