Murray pinaghandaan si Federer, para tapusin

MELBOURNE, Australia -- May solusyon na si Andy Murray kung paano igupo si Roger Federer.

“I’m going to need to play my best match ever,” wika ni Murray sa kanyang pakikipagharap kay Federer sa finals ng Australian Open. “That’s what I plan on doing. If I do, I’ve got a good chance of winning.”

Tangan ni Murray ang 6-4 rekord sa kanilang head-to-head match. Idinagdag pa ng 22-anyos na Scottish netter na kaya niyang sabayan si Federer.

Ang 28-anyos na Swiss player ay may 61 career titles kumpara sa 14 ni Murray.

Bagamat angat si Murray kay Federer, 6-4 sa kanilang career head-heads, hindi pa niya nagagapi ang Swiss star sa anumang major. Sa katunayan, minsan na silang nagharap sa Grand Slam kung saan nanalo si Federer sa U.S. Open final.

  

Show comments