MANILA, Philippines - Nakatakdang magdaos ang Philippine Basketball League (PBL) ng kanilang 2nd Draft bukas para sa season-opening tournament sa Pebrero 13.
Ito ang sinabi ni PBL Executive Director Butch Maniego matapos ang pulong sa pagitan ng mga team owners.
Ang second draft ay idaraos sa Old Spaghetti House sa Robinson’s (Pioneer branch).
“Some ex-pros who are not yet over the age limit are still allowed to play in the league,” wika ni PBL Commissioner Chino Trinidad.
Ang limang natirang koponan ay magkakaroon ng ‘protect 12’, dagdag ni Trinidad.
“With at least eight teams competing, we are certain we can give collegiate players the venue and time they needed to toughen themselves for the coming collegiate season,” sabi ni Trinidad.
Kung kailangan pa ng mga tropa ng players matapos ang draft, isang callback camp ang maaaring gawin bago matapos ang linggo para sa mga PBL free agents.