MANILA, Philippines - Para kay head coach Bo Perasol, si Asi Taulava ang magdedetermina sa magiging kapalaran ng Coca-Cola sa 2009-2010 PBA Philippine Cup.
“He is mature and responsible enough to know his accountability to the team as a whole. He takes it as his mission to spearhead our mission to be the best that we can be,” ani Perasol sa 6-foot-9 slotman.
Nagtala ng mga averages na 20.5 points, 14.5 rebounds at 7.5 assists si Taulava sa mga tagumpay ng Tigers laban sa San Miguel Beermen at Rain or Shine Elasto Painters.
At dahilan rito, tinanghal ang Fil-Tongan bilang KFC/Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggo ng Enero 11 hanggang 17.
Ito ang pangalawang pagkilala na natanggap ng 2003 PBA Most Valuale Player awardee matapos sa linggo ng Disyembre 14 hanggang 20.
“I appreciate the recognition, but I have to give the credit to coach Bo and the team for bringing the best out of me,” pagbabahagi ni Taulava ng karangalan. “Sa kanilang mga tagumpay sa San Miguel at Rain Or Shine, itinaas ng Coke ang kanilang kartada sa 5-12.
Awtomatiko ring nakapasok sa wildcard phase ang Tigers matapos ang 108-86 paggiba ng Sta. Lucia Realtors sa Barako Bull Energy Boosters at ang 122-104 paglampaso ng Ginebra Gin Kings sa Burger King Whoppers noong Linggo. (Russell Cadayona)