^

PSN Palaro

So bubuksan ang kampanya sa Corus International vs German top seed GM

-

 WIJK AAN ZEE, Nether­lands --Isang mabigat na la­ban agad ang kakahara­pin ni GM Wesley So ng Phi­lip­pines sa pagbubukas ng kan­yang kampanya sa 2010 Cor­us International chess championship sa De Moriaan Community Centre dito sa Sabado.

Nakatakdang makipag­pigaan ng utak si So laban sa top seed GM na si Arkadij Nai­ditsch ng Germany sa first round.

Ang Latvian-born na si Nai­ditsch ang top seed sa tournament na ito na taglay ang ELO na 2689.

Ito ang unang appea­rance ni So, bumandera sa Group C noong nakaraang taon sa pagposte ng maningning na 9.5 puntos mula sa pitong panalo, limang draws at isang talo, sa mahigpitang labanan sa category-16 Group B kung sa­an ang average rating ay ELO 2627.

“It’s a new challenge for me, but I will do my best for our country,” ani ng 16-year-old na si So, na seeded sixth sa 14-player field na may ELO na 2656. “Sana ma­ging maganda uli ang per­formance ko dito sa Wijk-aan Zee, gaya last year.”

Bagamat pang-anim lamang sa seeding, nakuha na­man ni So ang lahat ng atensyon sa seaside resort town dito matapos ang kanyang mahusay na performance sa nakaraang World Chess Cup kung saan nakarating siya sa fourth round dala ang mga panalo mula kina dating world championship candidates GMs Vassily Ivanchuk ng Ukraine at Gata Kamsky ng United States.

At ang isang inaabangan dito ay ang muling pagsabak ni Ivanchuk na naunang nagdeklara ng kanyang pagreretiro sa chess matapos na malasap ang masaklap na kabiguan sa mga kamay ni So sa World Cup noong nakaraang buwan, kung saan lalaro ito sa ca­tegory-19 Group A.

Matapos si Ivanchuk, sunod na kalaban ni So si GM Erwin I’Ami ng Netherlands sa Linggo.

ANG LATVIAN

ARKADIJ NAI

DE MORIAAN COMMUNITY CENTRE

ERWIN I

GATA KAMSKY

GROUP A

GROUP B

GROUP C

IVANCHUK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with