^

PSN Palaro

Asiad, Davis Cup sa PSA Forum

-

Ang nalalapit na Asian Games at Davis Cup Group 1 showdown sa pagitan ng Philippines at Japan sa Asia-Oceania zone ang tatalakayin sa PSA Forum sa dining hall sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Sasamahan ni      Philippine Olympic Committee (POC) spokesperson Joey Romasanta sina RP Davis Cup team coordinator Randy Villanueva at non-playing team captain Chris Cuarto sa lingguhang sesyon na live na mapapakinggan sa DZSR Sports Radio 918 at ipiniprisinta ng Outlast Battery, PAGCOR, Accel at Shakey’s.

Inimbitahan din sa public sports program si Alex Salud, senior product manager ng Eastern Communications, na magtatanghal ng badminton tournament.

Inaanyayahan ni PSA president Teddyvic Melendres ng Inquirer ang lahat ng miyembro na dumalo sa sesyon na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga.

Pagkatapos ng PSA Forum, may pagkakataon ang mga sportswriters na makaharap at makapanayam ang presidential candidate Gilbert Teodoro na magsasagawa ng rounds sa Rizal Memorial Sports Complex sa hapon.

ALEX SALUD

CHRIS CUARTO

DAVIS CUP

EASTERN COMMUNICATIONS

GILBERT TEODORO

JOEY ROMASANTA

OUTLAST BATTERY

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RANDY VILLANUEVA

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SPORTS RADIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with