^

PSN Palaro

Roach excited sa Pacquiao-Clottey fight

- Abac Cordero -

MANILA, Philippines - Nananabik si Freddie Roach tulad ng iba pang nais masaksihan ang laban ni Manny Pacquiao kay Joshua Clottey sa Marso 13 sa Dallas Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

“I wanted Manny in an action fight and that’s what we got with Clottey,” wika ni Roach, sa Las Vegas Sun kahapon mula sa Los Angeles.

Pakiramdam ng 33 anyos na si Clottey ang 5-foot-8 welterweight mula Ghana, na tila tumama siya sa lottery nang mapili itong makakalaban ni Pacquiao sa maikling listahan.

Naririyan si Paulie Malignaggi, Yuri Foreman at Juan Manuel Marquez sa listahan pero nang mabulil-yaso ang negosasyon para sa superfight kay Floyd Mayweather Jr., nawala na rin parang bula ang mga ito.

Ang anumang laban ay magiging magandang laban para sa mga fans kung nasa itaas na ng ring si Pacquiao ngunit sa katapusan nagtapos kay Clottey, na stablemate ni Pacquiao sa Top Rank.

Ito ang desisyong nagpakilig kay Roach.

“I wanted an action fight, I don’t want Manny in a boring fight. With Paulie it would be a blowout. Let’s face it, he’s not in the same class as Manny Pacquiao or Floyd Mayweather. Yuri Foreman is a good fighter, he’s clever, but he’s boring.”

Sinabi ni Roach na hindi nangyari ang laban kontra kay Mayweather dahil maraming dahilan ang undefeated American at ayaw naman talagang labanan si Pacquiao at ayaw na mauwi sa wala ang kanyang ring record.

Lumipad patungong Dallas kamakailan si Arum, kasama ang kanyang stepson na si Top Rank president Todd duBeof at nakipagkita kay Cowboys owner Jerry Jones at dating Pangulong George Bush at asawang si Laura.

Nasa Dallas si Arum upang iselyo ang negosasyon na magdadala kay Pacquiao sa $1.2B stadium, na maaa-ring punuin ng hanggang 100,000 fans kapag nakuha ang lahat ng upuan, at unang pagkakataon sa kanyang karera.

Malapit ng magkasundo at lahat ay nagsasabing kapag nagkapirmahan na ng kontrata ang dalawang boksingero, idaraos na ang press conference sa Enero 18 sa Dallas at pagkatapos ay sa New York.

Kailangang idepensa ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight crown kontra kay Clottey, na halos pinatumba si Miguel Cotto, na pinabagsak naman ni Pacquiao noong Nobyembre.

Sinabi ni Canadian adviser Mike Koncz na susubukan ni Pacquiao na magtungo sa Los Angeles sa Enero 17 upang simulan ang pagsasanay ngunit may mga ulat na baka umalis na ito kagabi.

Kinikilig din si Arum maging si Jones at ang dating Pangulo.

“I think that he’s (Bush)going to come to the fight. He said that he ‘loves Pacquiao.’ He ‘loves Pacquiao.’ I was talking to him for like a long time, me and Todd. He was sitting with us in Jerry Jones’ box,” wika ni Arum sa fanhouse.com.

vuukle comment

CLOTTEY

DALLAS COWBOYS STADIUM

JERRY JONES

KAY

LOS ANGELES

PACQUIAO

TOP RANK

YURI FOREMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with