RP Patriots kontra KL Dragons
KUALA LUMPUR -- Hindi dapat mag-alala si Philippine Patriots coach Louie Alas matapos na mabigo ito sa kanilang laban kontra sa Singapore Slingers noong nakaraang Miyerkules.
"Our drive for the No. 1 seeding remains strong and our fate is still at our hands. Although the loss to the Slingers should serve as a wake up call for us,” pahayag ni Alas.
Umaasa ang Patriots na makakabangon sila sa kanilang kabiguan sa kanilang pakiki-pagtipan sa Kuala Lumpur Dragons ngayon sa 1st ASEAN Basketball League sa MABA Gym dito.
May tatlong laban na lang ang nalalabi, kailangan ng Patriots na daigin ang Dragons upang mapahigpit ang kanilang hawak sa No. 1 spot.
Nangunguna pa rin ang Patriots sa six-team league na may 9-3 win-loss record ngunit ang kabiguan ng koponan, 67-59 ay nagbigay sa Slingers at Satria Muda BritAma ng Indonesia na pagkakataong hamunin sila sa No. 1 spot.
“We’re in a must-win situation starting today’s game. We have beaten the Dragons twice but we can’t take them for granted,” wika ni team manager Erick Arejola.
Sa katunayan, kailangan ng Patriots na pataasin ang antas ng kanilang laro ng ilang beses dahil ang una sa dalawang laban nila sa Dragons ay mahigpitan at nadesisyunan sa huling dalawang minuto. Nanaig ang Patriots, 73-63 sa unang pagtatagpo at 76-70 sa ikalawa.
Ang kanilang pang-alas-5 ng hapong bakbakan sa Dragons ay malamang huling laro ng kanilang import na si Brandon Powell na hindi naging epektibo sa huling tatlong laban. At ngayon pa lang ay nag-iisip na sila ng kapalit sakaling hindi pa rin maging maganda ang laro nito.
“We can’t win if we will only play defense for one quarter because basketball is a 40-minute game. We also should not rely too much on our imports and the locals must step up to add dimension to our offense,” dagdag ni Alas.
- Latest
- Trending