^

PSN Palaro

Samantalahin ang pagkakataong ibinibigay ng Jr. NBA

-

MANILA, Philippines - “Bubuksan ng global basketball stage sa Asian countries at kailangang samantalahin ang pagkakataong ito na ibinibigay sa ating kabataan ngayon.”

Ito ang sinabi ni Ronnie Magsanoc Jr., ang NBA-appointed coach at assistant coach ng Purefooods TG Giants sa Jr. NBA Philippines na ipiniprisinta ng Hi-Smart Multivitamins na opisyal na didribol sa pamamagitan ng Jr. NBA Coaches Clinic sa Jose Rizal University Gym sa Sabado, January 16.

Tutungo din ang The Jr. NBA Coaches Clinic sa Cebu City Sports Club sa Cebu sa January 18 at Montana Gym sa Davao sa January 21.

Si Magsanoc ay sasamahan sa Jr. NBA Philippines program nina Purefoods Head Coach Ryan Gregorio at PBA Legend Benjie Paras, ay nagsabing magpapatuloy ang Jr. NBA program upang mabigyan ng inspirasyon ang mga kabataang may edad 12-14 years old na umasam ng mas malaki sa kanilang napiling sport.

Isinahalimbawa nito ang anim na pangunahing campers noong nakaraang taon na nabigyan ng pagkakataon na matikman ang isang karanasan sa NBA. Ito ay sina Mark Jayven Tallo, Adrian Roland Marvin Mueller at Arc Araw-Araw mula Cebu, Aldrin Fegidero at Michael Jay Javelosa mula Manila at Jose Carlo Escalambre na lumahok sa tryouts at sumailalim sa regional training camp challenge at nanguna sa mga hamon upang mapabilang sa Jr. NBA Philippines Team na nagbiyahe sa Amerika at nakalaro ang US Jr. NBA team sa New York at nakapanood ng live na NBA games.

vuukle comment

ADRIAN ROLAND MARVIN MUELLER

ALDRIN FEGIDERO

ARC ARAW-ARAW

CEBU

CEBU CITY SPORTS CLUB

COACHES CLINIC

HI-SMART MULTIVITAMINS

JOSE CARLO ESCALAMBRE

NBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with