NCAA football, beach volley lalarga ngayong second semester

MANILA, Philippines - Magbabalik-aksiyon ang torneo sa 85th NCAA Season sa Enero 19 sa pagpasok ng football nga-yong second semester sa PhilSports Arena sa Pasig city.

Inihayag ni Management Committee chairman Jose Mari Lacson ng host San Beda ito bago magbreak ang liga para sa holiday season.

“After a brief respite, the league will resume this month starting with football,” ani Lacson.

Papagitna ang beach volleyball sa Jan. 22 sa Cantada Sports Center habang ang taekwondo naman ay magsisimula sa Jan. 23 sa Rizal Memorial Sports Complex.

Dadako naman ang aksiyon sa table tennis sa Jan. 29 sa Emilio Aguinaldo College multi-purpose complex at ang tampok na track and field naman aytatakbo sa Pebrero 23 sa Rizal Memorial Track and Field oval sa Manila.

Tinalo ng San Sebastian ang three-peat champion San Beda noong October upang isara ang kanilang malaking kampanya para sa first semester ng liga.

Naghari ang Red Cubs sa high school division na isang akmang pamamaalam kay multi-titled coach Ato Badolato na magreretiro na ngayong season para mapagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho bilang athletic director ng San Beda.

Show comments