^

PSN Palaro

Corteza sasargo sa Predator World Tour

-

MANILA, Philippines - Muling magpapamalas ng galing sa cue si Lee Van Corteza sa kanyang pagsargo sa Predator World Tour ngayong Enero 6-9 sa Lloret de Mar sa Girona, Spain.

Bukod sa dominasyon ni Corteza sa local billiard, umakyat sa No. 4 sa world ranking si Corteza mula sa pagsisikap niyang ikaapat na puwesto sa US Open at runner-up sa World 10-Ball Championship upang tanghaling highest rated na Pinoy sa buong mundo.

Mula ng magkampeon sa Derby City Classic 10-Ball Challenge noong 2009, nag-runner-up dito sa Derby City Classic 9-Ball Challenge, at third-place sa World Mixed Double sa Nuvo City, Libis, Quezon City.

Makakalaban ni Corteza ang mga kilalang cue artists tulad nina reigning World Ten Ball champion Mika Immonen ng Finland, 2008 World Ten Ball titlist Darren Appleton ng Great Britain, 2007 World Pool champion Daryl Peach ng Great Britain, 2003 World Pool ruler Thorsten Hohmann ng Germany, former world women’s no.1 Jasmin Ouschan ng Austria at Niels Feijen ng Netherlands.

Pagkagaling sa Spain, lalahok din ito sa Derby City Classic sa USA sa Enero 22-30.

 Sasali din siya sa 1st WPA World Team Championship sa Enero 30 hanggang Pebrero 7, 2010 sa Germany, bago bumalik ng Amerika para sa annual Reno Open sa Pebrero 22 hanggang 28 sa Nevada.

BALL CHALLENGE

BALL CHAMPIONSHIP

CORTEZA

DARREN APPLETON

DARYL PEACH

DERBY CITY CLASSIC

ENERO

GREAT BRITAIN

WORLD

WORLD POOL

WORLD TEN BALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with