Pacquiao, hindi pa umaayaw sa laban

MANILA, Philippines - Tuloy pa rin ang laban.

Sinabi ni Manny Pacquiao sa isang pahayag sa secondsouts.com na handa pa rin siyang labanan si Floyd Mayweather Jr. at hindi niya sinabing ayaw na niyang makipaglaban dito.

“ I will fight anyone at anytime and my record and past fights prove that. I have never and will never dodge anyone,” wika ni Pacquiao.

Ayon pa kay Pacquiao, may tinutukoy sa laban tungkol sa blood testing. Magbibigay din siya ng blood sample 30 araw bago ang kanyang laban at agad ding magbibigay ng dugo pagkatapos ng laban kahit pa sa loob ng kanyang dressing room.

Sinabi din ni Pacquiao na magsusumite rin siya ng urine kahit anong oras at anong araw patungo sa pinakahihintay na laban.

Bagamat bago sa kanyang paningin ang pagkuha ng dugo, kung saan sa kanyang isipan ay manghihina siya kapag nagawa ilang araw bago ang laban.

Ang mga akusasyon na gumagamit siya ng steroids ay isang kasinungalingan at walang basehan.

“To all of my fans I want to say thank you very much for all your support and understanding. I always give honor to God first and I would never cheat. I would never cheat God, I would never cheat myself, and I would never cheat my country and my fans,” madamdaming wika ni Pacquiao.

“If Floyd Mayweather Jr. does not accept these terms then my promoter will find another fight for the March 13th. Again I will fight,” pagtatapos niya. (Dina Marie Villena)

Show comments