^

PSN Palaro

Ateneo vs FEU sa PCCL crown

-

MANILA, Philippines - Hindi naisakatuparan ang paghaharap ng dalawang kampeon, magtitipan ang grupong nagmula sa UAAP para sa finale ng ina­abangang kampeonato ng Philippine Collegiate Champions League na ginanap sa Ynares Sports Center, Pa­sig City.

Humugot ng malaking puwersa mula kina Chris Sumalinog, Jai Reyes at Eric Salamat na naglista ng tig 14 points bawat isa,na sinuportahan pa ng 13 at 11 points nina Ryan Buenafe at Noy Baclao upang punan ang pagkawala ng key player na si reigning UAAP finals MVP Rabeh Al-Hussaini para durugin ang San Beda Lions sa pamamagitan ng 81-69 panalo.

Sa kabilang banda, buong pwersa namang sinuwag ng FEU Tams ang hari ng NCAA, San Sebastian Stags nang paluhurin nito sa overtime win, 86-83 upang itakda ang muli nilang pakikipagbuno sa Ateneo Blue Eagles para itakda ang best-of-three title series bukas.

Dahil dito, matutuloy na ang naudlot na tapatan ng da­lawa sa nakaraang season ng UAAP nang hablutin ng UE Red Warriors ang pag­kakataong lumaban sa finals.

Samantala, muling mag-ku-kurus ang landas ng Stags at Lions para sa third place.

Nagrehistro ng game high 28 points, kabilang ang 10 points mula sa overtime, naipako ng Morayta-based dribblers ang panalo at nagawang isampa ang koponan sa finals. (SNFrancisco)

ATENEO BLUE EAGLES

CHRIS SUMALINOG

ERIC SALAMAT

JAI REYES

NOY BACLAO

PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE

RABEH AL-HUSSAINI

RED WARRIORS

RYAN BUENAFE

SAN BEDA LIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with