^

PSN Palaro

Rationalization ipatutupad ng PSC sa 2010

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hindi pa man natatapos ang 25th Southeast Asian Games sa Laos ay may pla­no na ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga national athletes sa susunod na taon.

Ang ‘rationalization’, ayon kay PSC chairman Har­ry Angping, ang siyang magdedetermina sa tunay na kakayahan ng mga atletang nasa national pool.

“Hindi sila madi-displaced but in fact, we will put them in a better position. Ibig sabihin, we will now classify our athletes acccording to their qualification,” ani Angping.

Sa naturang bagong patakaran, ang isang atletang may potensyal na kumuha ng gold medal sa anumang international competition ay maaaring makatanggap ng monthly allowance na P25,000 hanggang P30,000.

“Iyong mga magagaling na athletes who are capable of winning gold medals, they might get as high as P25,000 to P30,000 monthly allowance,” ani Angping. “And I will not hesitate to send them out on a quarterly basis for international competition or exposure.”

Gusto ng PSC chief na makapag-uwi ang ipapadalang delegasyon sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China higit sa apat na gintong medalya mula sa Doha, Qatar noong 2006.

“Labanan na ito eh. Hindi na ito SEA Games kundi ito ay isang Asian Games,” pagkukumpara ni Angping. “Sa Doha nakakuha tayo ng four gold medals. I hope and I pray that we can triple ‘yung iniuwi natin sa Doha sa 2010 Asian Games sa Guangzhou.”

Buhat sa apat na gold medals, inaasahan ni Angping na makakasikwat ng 12 ginto ang Team Philippines sa 2010 Asiad.

Tiniyak ni Angping na solidong suporta ang ibibi­gay ng sports commission sa mga miyembro ng national contingent na kakampanya sa Guangzhou, halos isang oras ang layo mula sa Hong Kong.

ANGPING

ASIAD

ASIAN GAMES

DOHA

GUANGZHOU

HONG KONG

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SA DOHA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with