Kandidatura ni Pacquiao makakaapekto sa deal kay Mayweather
MANILA, Philippines - Apektado ang kasalukuyang negosasyon sa pagitan nina promoter Bob Arum ng Top Rank at Richard Schaefer, CEO ng Golden Boy Promotion at kumakatawan kay Floyd Mayweather Jr. sa pagpa-file ni Manny Pacquiao ng kanyang Certificate of Candidacy sa Comelec kahapon, para sa inaasahang malaking laban sa susunod na taon.
Dahil magaganap ang eleksiyon sa May 10 sa susunod na taon at ang tinitignang date ng laban ay May 1 sa di pa napapag-usapang venue.
"If he has to run against an opponent, then he'll have to start campaigning for the May 10 election on March 25,” ani Arum sa latimes.com. "If that's the case, then Mayweather would have to be willing to fight March 13."
Tatakbo si Pacquiao bilang Congressman ng Saranggani at magiging mahigpit niyang kalaban si Roy Chiongbian, kapatid ng incumbent Sarangani Rep. Erwin Chiongbian.
Kung walang makakalaban si Pacquiao, mangyayari ang laban sa Mayo, ‘yan ay kung walang magiging problema sa negosasyon sa pera.
"Obviously, we could use the extra month and a half to get ready for something like that," sabi ni Arum.
Sinabi ni Arum na may balita siyang may gumagawa ng paraan para wala nang kumalaban kay Pacquiao.
"People are trying to talk the opponent out of it," ani Arum. "I don't know how they're doing it, or who the person is. I'm over here [in Las Vegas] and getting stories from a dozen different people."
Hindi naging matagumpay ang unang pagpasok sa pulitika ni Pacquiao noong 2007 nang matalo ito sa congressional race sa 1st district ng South Cotabato kay incumbent representative Darlene Antonino-Custodio.
Samantala sinabi ni Arum na nakatanggap ito ng tawag mula kay Dallas Cowboys owner Jerry Jones na nagsabing interesado itong mag-host ng Pacquiao-Mayweather fight sa malawak na Texas football stadium.
At tulad ng napagkasunduan, tumanggi si Arum na magbigay pa ng detalye ukol sa negosasyon. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending