Malaki ang tsansa ng RP U-16 na makapasok sa semis
JOHOR BAHRU, Malaysia-Pasado kay coach Eric Altamirano ang performance ng Nokia U-16 Team Pilipinas sa kaagahan ng FIBA Asia Men’s Championship dito sa Malaysian province.
“So far, so good,” sabi ni Altamirano nang buksan ng RP squad ang kampanya sa quarterfinals laban sa Syria kagabi sa Bandaraya Stadium.
Nagsimula ang laban ng alas-6:00 ng gabi at kailangan nilang manalo ng dalawa sa kanilang tatlong laro kung saan makakalaban nila ang malakas na team kabilang ang Iran at Jordan para makuha ang apat na slots sa semifinals at tsansa sa 2010 FIBA U-17 World Championship sa Hamburg, Germany.
Makakasagupa ng Philippines ang Iran sa alas-10:00 ng umaga ngayon at Jordan bukas ng alas-4:00 ng hapon.
Mas malakas ang ibang grupo kung saan nangunguna ang China kasama ang Korea, Chinese Taipei at Japan.
Kinilalang malakas na team ang Team Pilipinas sa torneong ito at ipinakita nila ang kanilang bilis, impresibong shooting at malagkit na defense.
Ngunit kung titingnan ang unang tatlong laro ng Team Pilipinas malaki ang tsansang makarating sila sa finals.
Matapos lusutan ang Japan sa overtime, 64-59, nagpakitang gilas ang mga Filipinos sa 21.5-point winning margin laban sa Kazakhstan (64-59) at Bahrain (62-45).
- Latest
- Trending