^

PSN Palaro

Huling alas ni Mayol para sa title fight

-

MANILA, Philippines - Ito na marahil ang pinakahuling pagkakataon na makakakuha ng isang title shot si Filipino Rodel Mayol.

Sasagupain ni Mayol si Mexican Edgar Sosa para sa suot nitong World Boxing Council(WBC) light flyweight crown ngayon sa Tuxtla Gutierrez sa Chiappas, Mexico.

Sa pang limang pagkakataon, muling susubukan ng 28-anyos na si Mayol na makapagsuot ng isang world boxing title.

Natalo ang tubong Mandaue City, Cebu kay Eagle Den Junlaphan ng Thailand (unanimous decision) para sa WBC minimumweight belt noong Mayo 6, 2006 at nabigo kay Mexican Ulises Solis (eight-round TKO) para sa International Boxing Federation (IBF) light flyweight crown noong Agosto 4, 2007.

Nauwi naman sa draw ang kanyang laban kay Puerto Rican Ivan Calderon para sa World Boxing Organization (WBO) light flyweight title noong Hunyo 13, 2009 bago nakatikim ng seventh-round technical decision sa kanilang rematch noong Setyembre 12.

“Gagawin ko talaga ang lahat para manalo ako,” ani Mayol. “Marami na akong experience sa mga championship fights ko, kaya alam ko na ang gagawin ko pagdating ng laban.” 

Kasalukuyang dala ni Mayol ang 25-4-1 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs, habang taglay ng 30-anyos na si Sosa ang 37-5-0 (21 KOs).

Ito ang pang 11th title defense ni Sosa para sa kanyang hawak na WBC light flyweight title makaraang biguin si Omar Soto via sixth-round TKO noong Setyembre 15.

“I predict that I will defeat Rodel Mayol by knockout. I want to win convincingly over someone who many say actually beat Calderon,” wika ni Sosa kay Mayol.

Bago si Mayol, ilan sa mga Filipino na tinalo na ni Sosa ay sina Brian Viloria, Juanito Rubillar at Sonny Boy Jaro. (Russell Cadayona)

BRIAN VILORIA

EAGLE DEN JUNLAPHAN

FILIPINO RODEL MAYOL

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JUANITO RUBILLAR

MANDAUE CITY

MAYOL

MEXICAN EDGAR SOSA

SOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with