^

PSN Palaro

Jinkee nsa US para suportahan ang laban ng asawa

SPORTS - Dina Marie Villena -

Unang napabalitang hindi pupunta ng Amerika si Jinkee Pacquiao, ang asawa ng Pinoy boxing icon na si Manny Pacquiao, dahil sa tsismis na pupunta din sa Amerika si Krista, ang young actress na natsi-tsismis sa kanyang asawa.

Tumaas nga ang kilay ko nang mabalitaan ko ito. Sabi ko sa sarili ko, bakit naman ako magpapaapekto sa tsismis na yon? Aba kung ako si Jinkee, hindi ako papayag na hindi pumunta sa Amerika para suportahan ang laban ng aking asawa.

Parang binibigyan lang ni Jinkee ng pagkakataong magkaroon ng oras si Pacman at ang young actress kung totoo man ang tsismis na sila na ngayon.

Pero gaano nga ba katotoo ang tsismis?

Isang malapit na kaibigan ang nagpapatotoo pero hindi naman daw inaamin sa asawa. Bakit may lalake bang umaming may babae siya bukod sa kanyang asawa? Di ba wala.

At ayon din sa kaibigan ko, nahuhumaling na daw si Pacman sa young actress. Aba maganda at bata pa ang aktres kaya sino ang hindi mahuhumaling?

Gayunpaman, lilipas din yun. Yun ang opinyon ko.

At sana nga dasal din ni Jinkee.

Nakakatuwa ring isipin na bukod kay Mommy Dionisia, nauna nang nagpunta ng Amerika ang tatay ni Manny para panoorin ang laban ng anak.

Nagiging isang mabuting anak na si Manny sa kanyang mga magulang na dapat naman di ba?

* * *

Binabati namin si Vergel Meneses sa pagkakapili sa kanya bilang bagong coach ng Jose Rizal University para sa susunod na NCAA season.

Sana nga si Vergel na ang lucky charm ng Heavy Bombers para makuha na nila ang titulo.

Mabuti at ngayon pa lamang makakapagsimula na si Vergel sa kanyang bagong tungkulin bilang coach ng JRU para naman makapagsimula na rin siyang makasama ang mga players bilang paghahanda sa susunod na season.

Good luck Vergel!

* * *

Happy birthday kina Atty. Ed Tolentino (Nov. 10), John Henry Dodson (Nov. 10), Ruby Adonay (Nov. 11), Rhea Navarro (Nov. 12 ), Norman Black (Nov. 12), Jerry Codiñera (Nov 14), Alvin Patrimonio (Nov. 17) Ric Adriatico (Nov. 17) at Novi (Nov. 17) at Kag. Analyn Santos ng Brgy 342, Z34.

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

AMERIKA

ANALYN SANTOS

ED TOLENTINO

HEAVY BOMBERS

JERRY CODI

JINKEE

JOHN HENRY DODSON

NOV

VERGEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with