PARM M.O.V.E Run

MANILA, Philippines - Lakas at determinasyon ang inaasahang makikilatis sa lahat ng mga kalahok sa charity event run na tinaguriang PARM M.O.V.E. Run, na inorganisa kamakailan ng Philippine Academy of Rehabilitation Medicine (PARM) at suportado ng PLDT-SMART Foundation at PLDT-SME Nation sa UP Diliman campus grounds.

Hindi mahalaga sa nasabing karera ang panalo o kabiguan ng mahigit sa 1,123 kalahok na tatapos sa 10k, 5k at 2.2k distansiyang karera ng PARM M.O.V.E. Run kundi ang spirit ng pagtutulungan, pagkakaisa, kawalan ng takot sa anumang hinaharap na laban at ang marubdob na pagtulong sa kapwa.

At sa tinatayang 120 kataong may kapansanan na lalahok sa nasabing event, 87 rito ay pawang mga atletang nakasakay sa wheelchair at ang 33 rito ang hahamon sa kanilang katatagan.

Inorganisa ang karerang ito upang makalikom ng pondo para sa pagpapalawak ng PARM advocacy na tatawaging PARM F.U.N.D., pondo para matugunan ang mga pangangailangan ng mga may kapansanan.

Show comments