MANILA, Philippines - Sinusuportahan ng San Mig Coffee Pro-Health ang Feet on Fire: Race Against Cancer Marathon Event na gaganapin sa Nov. 8 (Linggo), alas-5 ng umaga sa McKinley Hill sa The Fort, Taguig City.
Ang naturang proyekto ay upang makakalap ng pondo para sa Cancer Warriors Foundation, Inc. Ito ay may kategoryang 3-km, 5-km, 10-km, 15-km at 6-km relay (tatlo sa isang team).
Mamimigay ang San Mig Coffee Pro-Health ng libreng kape para na rin ipakilala ang mga produkto na kinabibilangan ng San Mig Coffee Pro-Slim (with L-Carnitine), San Mig Coffee Pro-Fiber (with Inulin Fiber), San Mig Coffee Pro-Power (with Ginkgo Biloba) at San Mig Coffee Pro-Beauty (with Collagen).
Makakapagpatala sa Forbes town Center Showroom (26th St. corner Rizal Drive, Fort Bonifacio, Global City, Taguig; McKinley Hill Information Center ( Upper McKinley Road corner Florence Way, McKinley Hill, Taguig), UPCE Tambayan sa Room 407-B College of Business Administration, UP Diliman) at sa Second Wind Running Store sa #88 UP Village, Quezon City.
Para sa iba pang kaalaman, tawagan lamang si Hannah sa teleponong 09064760531.