^

PSN Palaro

Cinderella finish?

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Sebastian Stags kontra San Beda Red Lions upang maibulsa ang kampeonato ng 85th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament.

Ito ang pipilitin nilang sungkitin mamaya sa Araneta Coliseum.

Aba’y ilan lang marahil ang nag-akalang aabot sa puntong ito ang Stags.

Bago nag-umpisa ang torneo, hindi ganoon kataas ang expectations sa Stags dahil nga sa nasa ilalim sila ng isang bagong coach sa katauhan ni Renato Agustin na humalili kay Jorge Galent.

Katunayan, nang italaga si Agustin bilang head coach ng Stags ay maraming nagtaas ng kilay. Bukod kay Agustin, ang isa pa kasing kinunsidera nilang kapalit ni Galent ay si Art dela Cruz na isang da-ting manlalaro ng SSC. Si Dela Cruz ay longtime assistant coach ni Joseph Uichico sa San Miguel Beer at ngayon sa Barangay Ginebra. So, may experience na ito.

Si Agustin ay hindi naman produktong San Sebastian kundi naglaro ito sa Lyceum. Isa pa’y halos wala itong experience bilang coach bagamat Most Valuable Player naman siya ng PBA.

Pero nagtiwala ang SSC kay Agustin. Isa pa’y tila hindi pinayagan ng Ginebra na humawak ng ibang team si Dela Cruz.

Aminado si Agustin na nangapa sya sa umpisa at pinasasalamatan niya ang kanyang mga assistant coaches sa tulong nila.

Nang lumaon ay pinatunayan ni Agustin na ready na nga siya sa panibagong hamon. Hindi nga ba’t naigiya niya ang Stags sa record na 15 straight wins? Doon pa lang ay napamulagat na ang mga dating hindi naniniwala sa kanyang kakayahan.

Pero nang mapatid ang winning streak ng Stags at matalo sila ng apat na beses sa huling limang laro, nandoon na naman ang pagdududa.

Natural lang naman iyon. Kasi nga, mas madaling mag-motivate ng players kapag nana-nalo. Pero kapag natalo, mahirap mabawi ang kumpiyansa.

At nakabangon nga ang Stags sa pamamagitan ng panalo kontra Jose Rizal Heavy Bombers upang makarating sa Finals kontra Red Lions. At noong Huwebes ay dumaan sila sa dalawang overtime periods upang iligwak ang three-time defending champion San Beda, 72-68 sa Game One ng best-of-three championship series.

History ang tinititigan ni Agustin mamaya at pipilitin niya na huwag kumurap.

Muli ang tanong: Sino ang mag-aakalang aabot si Agustin at ang Stags sa puntong ito?

Marahil, kahit si Agustin mismo ay hindi makapaniwalang puwede pala talagang magkatutoo ang fairy tales!

AGUSTIN

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

DELA CRUZ

GAME ONE

ISA

JORGE GALENT

JOSE RIZAL HEAVY BOMBERS

PERO

STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with