^

PSN Palaro

Pacquiao, sasamahan ni Shaquille O'Neal sa ring

- Abac Cordero -

MANILA, Philippines - Kung dati mga wrestlers ang nakakasama ni Manny Pacquiao sa kanyang pag-akyat sa ring, ngayon naman ay interesado ang magaling na NBA superstar na si Shaquille O’Neal na samahan ang Pinoy ring icon sa kanyang pagparada patungo sa ring sa kanyang laban kay Miguel Cotto sa Nov. 14 sa MGM Grand sa Las Vegas.

At para kay chief trainer Freddie Roach, isang magandang ideya ito.

Ayon kay Roach, noong NBA break, nagkaroon siya ng tsansang bigyan ng boxing lesson ang higanteng si O’Neal, na size 23 ang sapatos na sinusuot, sa Los Angeles at mismong ang dating Lakers superstar ang nagbanggit ng ideya ito at inalok ang sarili na gawin ang papel na ito.

“He sounded like he really wanted to do it,” ani Roach, na hindi nakaka-limutan ang ilang wrestling superstrar na sumama sa pagparada kay Pacquiao sa ring sa mga nagdaang laban.

Ang una ay si dating World Wrestling Entertainment champion “The Undertaker” na sinamahan si Pacquiao sa kanyang laban kay Hector Velasquez sa Staples Center noong 2005. Sumunod naman si Dave Batista, na may dugong Pinoy ang sumama kay Pacquiao sa laban nito kay Ricky Hatton.

Kaya pwede rin si O’Neal?

Ayon kay Roach, ang NBA player na may timbang na 300 lbs ay masayang kasama.

“I saw his shoes in the gym and I wanted to keep them as souvenir so I tried to steal them. But they wouldn’t fit in my gym bag so I had to leave them behind,” naka-ngiting paggunita ni Roach sa insidente.

At nang malaman ito ni O’Neal, kinabukasan ay pinadalhan niya ng sapatos si Roach.

“They were so huge they looked like a kid’s toy truck,” patungkol ni Roach kay Shaquille.

“In the gym, I had to put vaseline on his face and I had to use a stool to do that,” natatawa pang wika ng American trainer.

AYON

DAVE BATISTA

FREDDIE ROACH

HECTOR VELASQUEZ

KAY

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with