Indonesia vs RP Patriots
JAKARTA, Indonesia --Sa larong tinataguriang preview ng kampeonato, haharapin ng Philippine Patriots ang Indonesia Satria Muda Britama ngayon na siyang tampok sa pagbubukas ng ASEAN Basketball League (ABL) Invitational Championship sa Britama Arena dito.
Paborito ang Patriots na pag-aari nina Harbour Centre CEO Mikee Romero at TV-5 (dating ABC-5) top honcho Tony Boy Cojuangco, sa kanilang pang-alas-5 ng hapong engkuwentro.
Ngunit ayaw naman magkumpiyansa ni coach Louie Alas dahil ayon sa kanya ang presensiya ng imports ang nagbibigay ng parehas na tsansa sa lahat ng koponan.
Babanderahan nina dating PBA star Rob Wainright at UAAP hotshot Khazim Mirza ang kampanya ng Patriots kasama ang American import na si Jason Dixon, na isang dating PBA import at ex-NCAA star Brandon Powell.
Ang iba pang myembro ng koponan ay sina dating La Salle enforcer Jerwin Gaco, Froilan Baguion, Christian Coronel, Neil Raneses, Mark Andaya, Ricky Ricafuente, Erwin Sta. Maria, Nat Cruz, Dino Daa, Hafer Mondragon at Warren Ybanes.
- Latest
- Trending





















