^

PSN Palaro

UST vs AdU sa panimula ng Shakey's V-League

-

MANILA, Philippines - Bilang pambuwena-mano sa pagbubukas ng second conference ng Shakey’s V League Season 6, isang mainit na tapatan sa pagitan ng University of Santo Tomas at title contender Adamson University sa Linggo sa The Arena, San Juan City.

 Determinadong ipuwersa ang “drive for five”, isusulong ng UST ang misyong manaig matapos na ibaon ang San Sebastian Lady Stags sa isang winner take all match sa nakaraang kumperensya at maging “winningest team” sa pinakaprestihiyosong volleyball league.

 Ang mga koponang maglalaban-laban para sa torneong handog ng Shakey’s Pizza at organisado ng Sports Vision ay Ateneo, Lyceum, College of St. Benilde, University of the Philippines at Adamson University. Ang 8 team cast na ito ay maglalaro sa single round robin elims kung saan ang top six ay aabante sa quarterfinals.

 Bitbit ang nakuhang rekord, mula sa 6, tatapyasin ito sa pamamagitan ng isa pang round robin series na magdedetermina ng Final Four sa ligang hatid ng Mikasa at Accel.

 Katulad ng mga naunang kalakaran, papayagan ang bawat grupo na magkaroon ng isang guest player na lalahok sa labanan subalit mahigpit pa ring pinagbabawal na kumuha ng manlalarong kabilang sa national team training na sasali sa SEA Games. (SNFrancisco)

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

FINAL FOUR

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN LADY STAGS

SHAKEY

SPORTS VISION

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

V LEAGUE SEASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with