MANILA, Philippines - Ang P500,000 na bahagi ng sponsorship na makukuha sa pagtatanghal ng first Quezon City International Marathon (QCIM) ay mapupunta sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy. Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Feliciano ‘Sonny’ Belmonte noong Martes.
Ang paunang QCIM donation ay magmumula sa produktong kontribusyon ng San Miguel Corporation, ang sponsor ng running event. Ang mga kontribusyon na magmumula sa co-sponsors na Philippine Star, New San Jose Builders, GMA Network, Puregold, ShoeMart, Ayala Land, Robinson’s Land Corporation, Nike, Unibersidad, Maxima, Manila Water, Salonpas, Timex, Nature Valley, at 100 Plus ay kinokonsidera ding tulong sa mga biktima ng bagyo.
”With this donation, the QCIM, originally intended as a highlight of the Quezon City 70th anniversary, would become a more relevant undertaking,” pahayag ni Mayor Belmonte.
At upang spamarisan ang ginawa ni Mayor Belmonte, ido-donate din ng Runnex chairman Art Disini ang registration fees ng marathon sa mga biktima sa quezon city.
Sa ganitong paraan, lahat ng runners sa QCIM ay nakapagbigay ng tulong sa mga nasalanta sa kanilang paglahok sa karera sa Oktubre 18.
Isa ang Quezon City na tinamaan ng husto ng bagyo noong Sabado at idineklara na ni Mayor Belmonte ang state of calamity sa may 50 barangays sa lungsod na nagbigay daan upang mairelis ang calamity funds.
May 11 rehabilatation at assistance center ang inilagay ng lungsod at nagtabi ng P1M para pambili ng mga gamot.