Korean, Indonesia umeksena agad

MANILA, Philippines - Maagang nagtrabaho ang four-time champion Korea at Southeast Asian power Indonesia nang magposte ng magkaibang panalo sa binagyong 15th Asian Senior Men’s Volleyball championship na ginanap sa San Andres Gym sa Manila.

Ipinakita ng Korea ang kanilang kalibre nang igu-po nila ang Maldives, 25-11, 25-13, 25-12 habang pinagpag naman ng Indonesia ang 13-25, 25-22, 25-23, 25-16 tagumpay laban sa India.

Nagpakitang-gilas din ang Sri Lanka nang payukurin nila ang Hong Kong, 25-20, 25-16, 25-18, sa isa pang laro na ang pagbubukas ay sinalanta ng Bagyong Ondoy noong Sabado.

 Dahil sa panalong ito, maagang namuno ang Koreans, Indons, Sri Lankans sa kani-kanilang grupo.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay kasakuluyang nakikipagpaluan ang Philippines sa Myanmar. (NBeltran)

Show comments