15 anyos na Pinay powerlifter bumuhat ng 3 ginto
MANILA, Philippines - Binigyan ni Patricia Llena ng pag-asa ang Philippine sports matapos komopo ng tatlong golds at isang bronze medal sa 2009 World Sub-Junior at Junior Powerlifting Championships sa Ribeirao Preto, Sao Paolo, Brazil sa kaagahan ng buwang ito.
Ang 15-gulang na si Llena ay bumuhat ng 420 kgs. Sa tatlong events para talunin si American Kendra Miller at three-time Russian world champion Talybova Yana para sa overall crown.
Nagdagdag pa si Llena ng dalawa pang gold medals sa pagbuhat ng 170 kg. sa squat class at 170 kg. sa deadlift category bilang kaisa-isang Filipino entry sa event na nilahukan ng mahigit 30 bansa.
Nag-uwi si Llena, pride ng San Antonio, Nueva Ecija, ng bronze medal sa bench press event sa pagbuhat ng 80 kgs.
Lalaban din si Llena sa 2010 Youth Olympics weightlifting competitions sa Singapore makaraang magtapos bilang 10th sa first World Youth Weightlifting Championship noong May sa Chang Mai, Thailand.
Malaki ang pag-asa ni Llena na lalaban sa weightlifting at powerlifting events para sa bansa.
“Gusto ko po maging nutritionist and, at the same time, makabreak ng mga records,” wika ni Llena sa SCOOP forum sa Kamayan Restaurant-Padre Faura. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending