^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas mabagsik na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas Pilipinas mabagsik na!
Si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone habang nagmamando kontra sa Poland.
SBP photo

MANILA, Philippines — Inaasahang ilalabas na ng Gilas Pilipinas ang buong bagsik nito sa oras na tumuntong ito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Riga, Latvia.

Bagama’t talo sa dalawang laro, maganda ang ipinamalas ng Gilas Pilipinas sa tuneup games nito kontra sa Turkey at Poland.

Ito ang paniniwala ni Gilas team manager R­ichard del Rosario kung saan unti-unti nang lumalabas ang pangil ng Pinoy cagers ilang araw bago magsimula ang Olympic qualifiers.

“We were good against Turkey, we were better against Poland, but we have to be at our best from here on out,” ani Del Rosario.

Unang lumasap ng 73-84 kabiguan ang Gilas Pilipinas sa Turkey sa kanilang unang pagsalang sa Europe.

Sinundan ito ng dikit na 80-82 pagyuko sa Poland na magandang indikasyon na palaban na ang Gilas Pilipinas.

Ilang puntos pa ang kailangang plantsahin ng Gilas Pilipinas upang mas maging solido pa ang laro nito.

Tututukan ng tropa ang turnovers na isa pangunahing pumapatay sa momento ng Pinoy squad sa mga laban nito.

Para kay Del Rosario, kailangan ding patatagin ang depensa ng Gilas Pilipinas lalo pa’t mas matatangkad ang makakaharap nito sa Olympic qualifiers.

“We need to limit our turnovers and get locked in defensively. It’s not just about competing, it’s all about winning,” ani Del Rosario.

May 23 turnovers ang Gilas Pilipinas na resulta ng solidong depensang inilatag ng Poland sa buong panahon ng laban.

Nakaharang sa daan ng Gilas Pilipinas ang host Latvia at Georgia na kasama ng Pinoy cagers sa Group A ng FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Nakasentro muna ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa laban nito kontra sa Latvia na una nitong makakasagupa sa qualifiers.

“We will put them under the microscope and look for ways to win,” ani Del Rosario.

Dikit ang laban ng Gilas Pilipinas kaya’t kailangan nitong makarekober agad sa bawat pagitan ng mga laro.

Makakaharap ng Pilipinas ang Latvia sa Hulyo 4 sa alas-12 ng hatinggabi (oras sa Maynila).

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with