Salamat, UAAP Press Corp Player of the Week

MANILA, Philippines - Dahil sa impresibong laro na ipinamalas sa dikdikang laban ng Ateneo at Far Eastern University noong Sabado, malaki ang dapat ipagpasalamat ng Blue Eagles sa naging papel ni Eric Salamat sa naturang laro.

Tumapos ng team high na 20 points, 3 assists 3 steals at 2 rebounds, naidepensa ng Ateneo ang pagiging top seed sa liga nang itakas ang panalo sa pamamagitan ng isang come from behind 74-73 win nito para ibandera ang 13-1 baraha.

Isang krusyal na assist kay Rabeh Al-Hussaini ang syang pumutol sa pananaig ng Tams kung saan naimarka nila ang 74-72 sa huling 14.3 segundo.

 Dahil dito, lumutang ang kanyang kakayahan kumpara kina Jai Reyes ng Ateneo, Paul Lee ng UE at Kokoy Hermosisima ng National University.

Sa pinamalas na tikas at liksi, napagkaisahan ng UAAP Press Corps na tanghalin si Salamat bi-lang Accel-Filoil Player of the Week. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments