Asean Basketball League ilulunsad na
MANILA, Philippines - Malaking kasaysayan ang magaganap sa basketball bukas dahil sa pagsasanib ng anim na Asean countries para sa paglulunsad ng kaunahang professional sa rehiyon --ang Asean Basketball League (ABL) -- sa Renaissance Hotel sa Makati.
Pormal na tatanggapin nina Tony Boy Cojuangco ng ABC-5 at Dr. Mikee Romero ng Harbour Centre, kakatawan ng bansa sa board, ang kanilang mga kapwa owners, officials at ilang players sa pagtitipon para sa pagsisimula ng liga na may pananaw na makalikha ng basketball hero sa region.
Inaasahang darating sina ABL at AirAsia chairman Tony Fernandes ng Malaysia, media mogul Erick Thohir ng Indonesia, ilang ranking officials mula sa Singha Beer ng Thailand, at officials mula sa FIBA-Asia ang inaasahang darating sa makasaysayang pagtitipon.
Magsisimula ang tournament sa susunod na buwan sa Singapore kung saan ang Philippine team na tatawaging Patriots -- ang paboritong manalo sa inaugural staging.
Bukod sa pagdiskubre ng basketball heroes, ang home-and-away tournament ay gagamitin sa pagpro-promote ng ASEAN brands sa market dahil ang basketball ang ikalawang pinakasikat na sport sa buong mundo.
Hindi lamang ito magbibigay ng oportunidad sa mga rising basketball players sa region, kundi launching ng league, at ayon kina Romero at Cojuangco, ito ay para sa makabagong pamamaraan ng sports development and management.
“Aside from creating a venue to our ever growing basketball players, we want to reach out and unite some 600 million South East Asians for a new regional sporting experience,” ani Romero.
Sinabi ni Erick Arejola, team manager ng koponan na magpapa-try-out si RP coach Louie Alas sa susunod na linggo para makumpleto ang team. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending