^

PSN Palaro

11th win asinta ng Baste

-

MANILA, Philippines - Taimtim ang panalangin upang walang kaabog-abog na masiguro ang tiket sa kampeonato, gigibain ng San Sebastian Stags ang Perpetual Help upang ililok ang makasaysayang 11 sunod a paghahari sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena. San Juan City.

Matapos makaligtas sa isang seryosong hamon ng Angeles U Foundation Great Danes, nananatiling matatag ang pundasyon ng Stags nang payukurin ang kalaban sa pamamagitan ng 81-69.

Sakaling manaig muli nga-yong araw, matayog na ibababandera ng San Sebastian awtomatikong puwesto sa best of three finale.

Subalit ayaw maging kampante, para kay coach Ato Agustin, malayo pa ang tatahakin ng kanyang koponan kung kaya’t nararapat na kumayod ng maigi.

Samantala, sa iba pang laro, tatangkain ng San Beda Red Lions na lapain ang Mapua Cardinals para sa pang-alas dos na tunggalian ng dalawa.

Nasa anino ng Baste, pupuwersahin ng Red Lions na huwag makalayo sa tuktok.

Bitbit ang kumpiyansa nang daigin sa huling paghaharap, mas lalong pag-iibayuhin ng Lions ang opensiba.

“If we can come as aggressive, if not more aggressive, than what we did when we first played Mapua, we’ll have a chance to beat them again,” ani San Beda mentor Frankie Lim.

Huhugot ng lakas, inaasa-hang magpapasiklab si American rookie Sudan Daniels para patingkarin ang kulay sa kontensyon sa MVP award.

At dahilnakabawi sa kanyang ACL (anterior cruciate ligament) si Hermie Borgida, tinatayang magiging isang magandang kombinasyon ang laro nilang dalawa ni Daniels.

Para sa lahat ng avid fans ng basketball, isang magandang balita ang handog ng SKYCABLE upang ihatid ang maaksyong tagpo sa collegiate league.

Sa pakikipagtulungan ng Balls, katuwang na sports channel, isasaere ng live at ekslusibo ang bawat laban ng UAAP at NCAA sa HD.

Mapapanood ang UAAP tuwing Huwebes, Sabado at Linggo dakong alas-2 ng hapon, na magkakaroon ng replay pagsapit ng alas-8 ng gabi habang masusubaybayan naman ang mga eksena ng NCAA tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa ganap na alas-dos ng hapon na uling ipapalabas sa alas-10 ng gabi sa Balls HD channel 166.

SSC at Perpetual lady spikers wagi

Samantala, kapwa taas noong tinapos ang kanya-kanyang asignatura, naipreserba ng San Sebastian at Perpetual Help ang kagalingan sa tuktok ng women’s division ng 85th NCAA volleyball tournament sa Emilio Aguinaldo Gym.

Kumuha ng lakas mula sa malalakas na atake, naipwersa ng Lady Stags ang panalo kontra San Beda Lioness, 25-18, 25-9, 25-19, habang nanaig naman ang Lady Altas sa Lady Cardinals sa iskor na 25-10, 25-10, 25-13.

Bagaman nagungulila sa serbisyo ni two-time MVP Lou Ann Latigay, pinatunayan ng Stags na maaari itong bumangon at hagupitin ang kalaban.

Samantala humugot ng ener-hiya sa karanasan, madaling namanipula ng Perpetual Help ang laro na nagbigay daan para patalsikin ang Mapua sa torneong suportado ng Mikasa, Absolute at 100 Plus.

Datapwat natalo, naging kapansin-pansin ang larong ipinamalas ng Lady Cardinals.

Sa isa pang laban, humam- pas rin para sa panalo ang guest team Angeles U Foundation makaraang dispatsahin sa eksena ang Jose Rizal sa pamamagitan ng 25-8, 25-8, 25-14 panalo. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ANGELES U FOUNDATION

ANGELES U FOUNDATION GREAT DANES

ATO AGUSTIN

EMILIO AGUINALDO GYM

FRANKIE LIM

HERMIE BORGIDA

LADY CARDINALS

PERPETUAL HELP

SAMANTALA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with