^

PSN Palaro

Aguilar makikipag-usap na sa Burger King

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan, pipirma ng maximum contract ang top-draft pick na si Japeth Aguilar sa Burger King.

Kamakalawa lamang dumating ng bansa si Aguilar kasama ng Po-werade Pilipinas team na kumampanya sa katatapos lamang na FIBA-Asia Cup sa Tianjin, China.

Nakatakdang maki-pagkita si Aguilar sa Burger King management ngayon upang pumirma ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng P8.55 milyon.

Tulad ng iba pang top draft picks na sina third pick Rico Maierhofer ng Purefoods, fourth pick Chris Ross ng Burger King na ipinasa nila sa Coca-Cola at fifth pick Jervey Cruz ng Rain or Shine, maximum salary din para sa isang rookie player ang matatanggap ni Aguilar, anak ng dating PBA player na si Peter.

Si Aguilar, nakilala sa Ateneo ngunit higit pang gumaling nang mag-aral ito sa Amerika, ay tatanggap ng P150,000 kada buwan sa unang taon ng kanyang kontrata.

Sa ikalawang taon, sasahod ito ng P225,000 kada-buwan at sa kanyang final year, susuweldo ito ng P337,500 monthly.

Nakapirma na rin si Gary David ng three-year contract extension sa Bur-ger King, ang dating Air21, na nagkakahalaga ng P12.6 milyon.

Nakakuha rin ng contract extension si Joseph Yeo tulad ng halaga ng kontrata ni David, sa Sta. Lucia.

Nakapirma na rin ng kontrata sina Ronjay Buenafe mula sa Coca-Cola at ang dalawa pang rookies na sina Ronnie Matias at Orlando Daroya.

Habang nasa Tianjin si Guiao, pinatakbo nina BK assistant coach Junel Baculi at Johnny Tam ang pagsasanay ng Whoppers.

Magsisimula ang regular practice ng koponan sa ilalim ni Guiao sa Lunes.

AGUILAR

ASIA CUP

BURGER KING

CHRIS ROSS

COCA-COLA

GARY DAVID

GUIAO

JAPETH AGUILAR

JERVEY CRUZ

JOHNNY TAM

JOSEPH YEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with