Pinoy boxers sasabak sa World Boxing Championship
MANILA, Philippines - Buhat sa Havana, nakatakdang lumipad ang lima nating boksingero upang sumugal sa World Boxing Championship sa Milan na eeksena sa Agosto 28, habang ang ilan naman ay magbabalik na ng bansa upang paghandaan ang Laos Southeast Asian Games sa Disyembre.
Subalit hindi lang ang mga pambatong lalakeng boksingero ang hahasain dahil mayroon ring inoorganisang biyahe na pinag-uusapan ang Philippine Sports Commission para sa mga kababaihan na makikipagbuno sa Tsina, ayon kay Amateur Boxing Association of the Philippines executive director, Ed Picson.
“This is timely as the International Olympic Committee has officially announced the inclusion of women’s boxing in the London Olympics in 2012,” ani Picson.
Ang naturang pagsasa-nay ay suportado ni PSC chairman Harry Angping at PLDT-Smart top honcho Manny V. Pangilinan na siya ring tinuturing na ABAP head.
Makikipagsuntukan sa mga Cuban at Venezuelan fighters, sasailalim ang mga boksingero sa pagtuturo ni head coach Pat Gaspi at Cuban consultants Enrique Steyners at Dagoberto Scott. (SNFrancisco)
- Latest
- Trending