FEU nais makasama ang Ateneo sa unahan
MANILA, Philippines - Hangad na makisalo sa reigning titlist Ateneo, sisikapin ng Far Eastern University na maiposte ang panalo sa pakiki-pagtipan nito sa University of Santo Tomas para sa pagpapatuloy ng 72nd UAAP basketball tournament sa Big Dome ngayon.
Dahil sa one day suspension na natamo ni Reil Cervantes, makikipagsagupa ang Tams na wala ang sentro kung kaya’t nararapat dumoble ang kayod ng bataan ni Glenn Capacio sa pagdepensa. Samantala, naipatupad na rin ang kaparusahan kay UE’s Pari Llagas sa huling laro noong isang linggo.
“We need other players to fill that void because we know UST is a very dangerous team,” ani Capacio na pursigidong mapaganda ang hawak na 6-1 baraha.
Dahil dito, inaasa-hang ipaparada ng FEU ang frontcourt duo ni 6’6 Aldrech Ramos at Came-roonian banger na si Pipo Noundou.
Samantala, maghihimagsik naman ang Tigers na nagnanais maka-resbak sa masaklap na 63-90 kabiguan nito sa kamay ng Tams sa engkwentro sa unang round.
“We know that our strength is our defense so we will make full use of that,” wika ni Capacio.
Sa kabilang banda naman, hangad ng National University na mapalawig ang kampanya na iusad ang 2-5 marka habang asam naman ng UP na maiangat ang koponan mula sa 1-6 baraha sa pakikipagtipan nito para sa pang-alas dos na laban. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending