MANILA, Philippines - Sumuko na si Jayjay Helterbrand at sinabing hindi ito 100 porsiyentong malusog nawalan na rin ng pag-asa si Ryan Reyes, na injured pa rin, na makasama pa sa Powerade Team Pilipinas na aalis sa Martes para sa 2009 FIBA- Asia Championship na nakatakda sa Aug. 6-16 sa Tianjin, China.
May mild bronchitis din si Mick Pennisi na lalong nagpasama sa kalusugan ng koponan limang araw na lang ang nalalabi bago sumabak sa aksiyon sa Asian meet na magsisilbing regional qualifier para sa world championship sa Turkey sa susunod na taon.
Wala sina Jared Dillinger at James Yap, 10 players lamang ang naglaro kontra sa national squad ng Lebanon sa scrimmage na nauwi sa away sa Moro Lorenzo Sports Center sa loob ng Ateneo kahapon.
Lamang ang Lebanese 48-34 ng nagdesis-yon ang dalawang koponan na huwag nang ituloy ang laban bunga ng madulas na sahig at away sa pagitan nina Arwind Santos at Brian Feghali may dalawang minuto na lang ang nalalabi sa second half.
Sa obserbasyon ni Lebanon coach Dragan Raca, malaki ang improvement ng Pinoy kaysa sa naging laro nila sa Jones Cup noong July 22 kung saan hinataw ng Lebanese angNationals, 95-83.
“Even in Taipei, I noticed the Philippines improving each game. I expect them to put up a good fight in Tianjin, China,” wika ni Raca.
Hindi naman na-impress si RP coach Yeng Guiao, at sinabing marami pang problemang dapat ayusin sa kanilang laro.
“I’m not happy on how we work around the ball. And except for Willie (Miller), nobody’s stepping up in terms of outside shooting,” ani Guiao.
Sa nasaksihan ni Guiao sa laro ng Lebanon, nasabi nitong naniniwala siyang malaki ang pagkakataong talunin ang Middle Eastern team sa Tianjin.
“These huge teams would be tough to beat. I think we have a lot better chances of winning against Korea, Japan and Chinese Taipei,” ani Guiao.
Sa pagyao ni dating President Cory Aquino, inaasahang maaantala ng ilang araw ang pagtungo ni James Yap sa China.