MANILA, Philippines - Magiging daan ang Lebanon, isa sa mga sagabal mula sa Middle East sa kampanya ng Powerade Team Pilipinas sa16th FIBA World Championship.
Kung makakalusot ang Philippine team sa elimination round sa 25th FIBA Asia Men’s Championship sa Tianjin, China at makarating sa quarterfinals, malaking bagay ang alas-2:00 ng hapong closed-door scrimmage laban sa mga Lebanese national team sa Moro Lorenzo Sports Center sa Ateneo campus.
Ang RP team ay apat na beses nagkita-kita para ayusin ang kanilang mga mali mula sa sixth place finish sa 31st William Jones Cup sa Taipei, at masusubukan ang kanilang ginawang adjustments sa Aug. 6-16 FIBA World qualifying tournament.
Tinalo ng Lebanon ang Philippines, 95-83, sa Hsinchuang gym dalawang linggo pagkatapos ang 30-19 first quarter opening tungo sa kanilang tagumpay.
Si Fadi El-Khatib, ang pinakasikat sa Lebanon ay may 14 points matapos umiskor ng 32 at 33 points sa unang dalawang games.
Nanguna naman sa opensa sina Dallas-born, former Louisiana State hotshot Brian Feghali, na nagtala ng 5-of- 7 three-point shots para sa 29 points – na nagkumplimento ng kanyang 10 rebounds at naturalized player Jackson Vroman, na nagdagdag ng 24 points at five rebounds, four assists at five steals.
Malakas ang mga Lebanese at puntirya nilang talunin ang defending FIBA -Asia champion Iran at powerhouse host China, sa tulong ng kanilang Dirk No-witzki play-alike player na nagtala ng 39 points at 14 rebounds sa 97-79 panalo sa South Korea.
Ang pinalakas na team ng Lebanon na iginigiya ni Joe Torre-intense Dragan Raca ay nanana-lasa sa three-point at free throw shooting ay siguradong papasok sa quarterfinal round sa Tianjin kung saan umaasa ang RP team ng muling pagtatagpo.
“It’s our last chance to see what final fine-tuning has to be done,” wika ni national coach Yeng Guiao. “Then, we have two days to make some adjustments.” (Mae Balbuena)