MANILA, Philippines - May 1,500 bets mula sa 12 regions kabilang ang ARRM, CAR, CARAGA at NCR ang inaasahang makikibahagi sa Smart national poomsae championships sa Linggo, July 26 sa Rizal Memorial Coliseum.
Isinama ang poomsae na nangangahulugang ‘form’ sa Universiade at SEA Games programs sa taong ito, ayon kay Philippine Taekwondo Association president Roberto Aventajado.
Sa poomsae, may sinusunod na systematic time ng paggalaw ang isang atleta sa sunud-sunod na sequence laban sa isang imaginary na kalaban. Ginagamit ng mga partisipante ang kamay at paa sa mga techniques gaya ng blocking punching, striking, thrusting at kicking.
Ayon kay organizing committee chair Sung Chun Hong, magkakaroon ng tatlong events, ang individual standard, team standard at team free style synchronized poomsae at tatlong age group. Kabilang sa mga kalahok na PTA chapters ay ang Power-flex, Ateneo, LSGH, Don Bosco Makati, UP, UST, International School, Baguio, Davao, Cebu, Bacolod, Palawan, Ilocos, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Ang event ay sponsored ng Philippine Sports Commission, Smart Communication, PLDT at Milo.