^

PSN Palaro

JRU nais makasama ang SSC sa unahan

-

MANILA, Philippines - Asam na muling maluklok sa unahan kasama ang San Sebastian, pipilitin ng Jose Rizal Bombers na mamayani sa pakikipaghamunan nito kontra Angeles University Foundation sa ganap na alas dos ngayon para sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Matapos yumukod sa San Beda Lions noong isang taon, isang mas malakas na bomba ang aasahang pasasabugin ng JRU sa pakikipagbuno nito sa Great Danes, nang pakabahin ito ng Arellano Chiefs sa isang makapigil- hiningang engkwentro, 88-82 noong Biyernes.

“We always want to come out aggressive early and hopefully finish strong too,” wika Jose Rizal coach Ariel Vanguardia na pu-puwersang masungkit ang unang titulo ng Kalentong based school.

Habang ang lahat ay nakaabang sa magiging kahihinatnan ng estratehiya ni AUF mentor Eric Gascon, pokus lang ito sa diskarteng ihahain sa katunggali.

“We always go out there to compete, if we can win we’ll go for it,” ani Gascon na dating PBA player na bumandera sa Far Eastern University.

Sa kabilang laro, nais ng Mapua na mapaganda ang baraha nito, 1-3 kartada, habang pipilitin ng Emilio Aguinaldo na makamtan ang unang panalo matapos bumaon sa apat na laro.

Nakatakda ang bakbakan ng Cardinals at Gene-rals sa tampok na laban na magsisimula ng alas-4 ng hapon.

Dahil sa iniindang injury sa kanyang kaliwang tuhod, maaring ipahinga na lamang ni Vanguardia ang 6’7” center na Cameroonian rookie, Joe Etame para paghandaan ang susunod na mga laban.

Sanhi ng kawalan ni Etame, sasandig ang tropa sa kalibre nina James Sena, Marvin Hayes at isa pang Cameroonian Nchotu Njei na consistent sa paggawa ng mataas na produksyon. (SNFrancisco)

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

ARELLANO CHIEFS

ARIEL VANGUARDIA

CAMEROONIAN NCHOTU NJEI

EMILIO AGUINALDO

ERIC GASCON

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREAT DANES

JAMES SENA

JOE ETAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with