9th leg ng Villar Cup sa Iloilo City

MANILA, Philippines – Bilang paglingon sa kanyang pinanggalingan, bumalik si Senator Manny B. Villar sa kanyang home province sa Iloilo para idaos ang 9th leg, The Manny Villar Cup na gaganapin sa July 30 hanggang August 2.

Sa pamumuno ng pool icon na si Efren “Bata” Reyes, aaksyon ang naturang torneong handog ng Senator Villar’s Villiards:Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports na magbibigay ng P300,000 bilang papremyo.

Matapos ang 3 matagum-pay na legs sa Baguio, Isabela at Calabarzon, papalawigin ni Villar sa south ang pagtuklas ng mga talentadong Pinoy na tunay na maipagmamalaki ng bansa sa larangang ito.

Bukod kay Reyes, kalahok rin ang mga kilalang pangalan sa bilyar na sina former world champion Ronnie Alcano at Alex Pagulayan, former world No.1 Dennis Orcollo at Francisco “Django” Bustamante, at former leg winners Warren Kiamco, Gandy Valle, Ramil Gallego, Rodolfo Luat, Roberto Gomez at Lee Van Corteza sa torneong suportado ng Camella Communities.

Ang qualifying tournament na ilulunsad ang magsisilbing Western Visayas Regional Villiards championship, kung saan magkakaroon ng oportunidad na katawanin ang rehiyon sa The Manny Villar Cup: Philippine National Villiards Championship sa Setyembre. (SNFrancisco)


Show comments