UAAP dadalhin sa digital age ng ABS-CBN
MANILA, Philippines – Sa pagbubukas ng pinakasikat na mga amateur league sa bansa, bubuksan na rin ang pintuan sa bagong era ng telebisyon dahil ang basketball games ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), mapapanood na ng high-definition (HD) simula Sabado (July 11) sa Balls HD (SkyCable Channel 166).
“Dadalhin namin ang UAAP sa the digital age. Sa HD, mas malinaw at malawak ang picture, mas pino ang tunog, at mas klaro ang mga galaw ng manlalaro. Ito ang pinagkakaguluhan ngayon ng mga sports fans sa ibang bansa,” ani Peter Musngi ang Head ng ABS-CBN Sports.
Dagdag niya, sisimulan na rin ang HD broadcast ng mga laro ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Lunes (July 13).
“Hindi magtatagal pati iba pang laro sa UAAP at NCAA at ang mga kumpetisyong hatid ng ABS-CBN Sports ay nasa HD na rin.”
Ang High definition TV (HDTV) ang pinakabagong teknolohiya sa TV na laganap na sa maraming bansa sa Amerika, Europa, at Asya. Tanging ABS-CBN lang ang may full HD OB van sa bansa, kaya naman ang “UAAP on HD” ang unang beses para sa isang network sa Pilipinas na mag-broadcast ng lokal na programa ng high definition.
- Latest
- Trending