MANILA, Philippines - Bibigyan parangal ang mga kabataang atleta na nagdala ng gold medal at karangalan sa bansa at ang pangunahing grandmasters ng Quezon City bago magsimula ang pinakahihintay na first-ever Palmdale Import and Export Co. Rapid Chess Tournament bukas (Hunyo 28) sa Ramon Magsaysay Cubao High School (RMCHS).
Inimbitahan sina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president Prospero “Butch” Pichay Jr., at Quezon City Mayor Feliciano “Sonny” Belmonte ang manguna sa opening rites sa ganap na alas-11 ng umaga kasama sina Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista, 3rd district rep. Matias Defensor, 4th district rep. Nanette Castelo Daza, 4th district councilors na pinamumunuan ni Bayani Hipol, Janet Malaya, Edsel Lagman, Bong Suntay, Vincent Belmonte, Barangay Kaunlaran Chairman Teresa Atentar, Barangay Alabang Chairman Victor Ulanday at Barangay Pinagkaisahan Chairman Vincent Saab, at suportado din nina Fernando “Kuya Nanding” Reyes, FDR International, XT2000 Orange Oil at Diana Secret na mai-promote ang chess sa grassroots-level sa pakikipagtulungan ng Dickies at Filway Marketings Inc. at Time Life Books.
Si Austin Jacob Literatus ng Davao City, Cherry Ann Mejia ng Taguig City, Paulo Bersamina ng Pasay City at Samantha Glo Revita ng Rosales, Pangasinan ang nag-uwi ng gold medal sa 2009 ASEAN + Age Group Chess Championships Vietnam.
Habang si Milo Checkmate bet Stephen Rome Pangilinan, ang anim na taong bata na tinanghal namang overall champion sa kanyang division sa katatapos na Las Vegas International Chess Festival. Ang iba pang awardees ay sina Eugene Torre, Asia’s First GM, alumni ng RMCHS batch 68, GMs Mark Paragua, Jayson Gonzales at Rogelio “Joey” Antonio Jr., World Chess Championships qualifier, lahat ay long-time resident ng Quezon City.
Pararangalan din si Jonas Magpantay, 15, freshman student ng Ponciano Bernardo High School sa Cubao na kampeon sa 2009.