Crisano naghahanap ng team
Matatapos na pala ang kontrata ni Alex Crisano sa Barako Bull sa July.
Kaya naman ngayon ay naghahanap na siya ng bagong kontrata kung hindi man sa dating team ay sa iba.
Ayon kay Alex, kapag nakakuha siya ng panibagong tsansang makapaglaro sa ibang team, ipinapangako niyang ibang Alex Crisano ang kanilang makikita sa loob ng playing court.
Sa edad niyang 32, nais ni Alex na mapanood siya ng tao na mabait na player at isang maaasahang player ng kanyang team.
Blessing daw ang pagkaka-break nila ng dati niyang girlfriend na si Ethel Booba dahil natagpuan naman niya ang kanyang mga anak sa unang asawa.
Masayang-masaya nga si Alex dahil nagkaroon ng pagkakataon silang mag-aamang makapagbonding. Ipinasyal niya ang mga ito sa mall at nakasama naman niya ang lalaking anak na nagcelebrate ng birthday.
At sa two months na wala na sila ni Booba, narealize ni Alex na mas mapapaganda ang takbo ng kanyang career ngayon bukod pa sa pagiging ama niya sa kanyang mga anak.
Kaya naman panay dasal ni Alex na makakuha ng panibagong kontrata para mapatunayan niya na kaya niyang magbago at hindi pa huli ang lahat.
***
Limang mahuhusay na siklista ang pumirma ng kontrata para maging miyembro ng Columbia Sportswear Cycling team sa Prime Group of Companies.
Ito ay bilang paghahanda na rin para sa karera sa susunod na taong Padyak Pinoy Tour ng Pilipinas.
Ang limang siklista ay sina dating tour champ Arnel Quirimit, Irish Valenzuela, Tour of Luzon at Padyak Pinoy King of the Mountain Baler Ravina, Emil Pablo at sprint specialist Ericson Obosa. Lahat ng lima ay pawang galing sa Pangasinan, ang tahanan ng mga mahuhusay na siklista.
Isang magandang pa-nimula ito para sa cycling na ibig sabihin ngayon pa lang ay naghahanda na ang ilang kompanya na tumulong sa cycling sa bansa.
Kulang na kulang naman kasi talaga ang isponsor kaya naman hirap din ang mga siklista.
Ika nga ni Dino de Leon, kinatawan ng Columbia, na-ging inspirasyon sa kanila ang naging performance ng Columbia Sportswear squad sa nakaraang Padyak Pinoy kaya nagdesisyon silang panatilihin ang koponan at maghanap din ng ibang talento upang sundan ang yapak ng kanilang American company na sinusuportahan ng Columbia Highroad team sa kasalukuyang Giro d’ Italia, isa sa pangunahing karera sa mundo kasunod ng Tour de France.
O di ba mataas ang kani-lang ambisyon. Mataas ang pangarap ng kompanya na ang magbebenepisyo ay ang mga siklista.
Sana dumami ang inyong angkan!
- Latest
- Trending