FEU, babantayan sa UAAP
MANILA, Philippines – Mula sa balwarte ng mga kampeon, nahasa ang talento ng Far Eastern University sa Smart Gilas Pilipinas na naglunsad ng matatag na koponan sa 72nd UAAP basketball season na aarangkada sa July 11 sa Araneta Coliseum.
Ang mga de kalibreng manlalaro na sina Mark Barroca, JR Cawaling at Aldrech Ramos ay balik training para sa Tams matapos maging bahagi ng national developmental squad na nag-ensayo at nakipaghamunan sa China, Serbia, US, Japan, at Indonesia para isulong ang pwesto sa 2012 London Olympics.
"Skills wise, they've improved a lot, ani ni FEU head coach Glenn Capacio na nagbigay ng ikapitong titulo sa Oracle Residences ng PBL.
Tiwala sa kakayahan ng kanyang bataan, bubulusok ang Tamaraws. "But I think the most important thing is that their level of confidence is high now compared before," dagdag pa nito.
Para kay Capacio, malaki ang pinagbago ng estratehiya at istilo ni Barroca, tulad ng kanyang crossover skills at pull up jumper, na mag-aakay sa Tams patungo sa tagumpay.
Samantala, napatalas naman ni Cawaling ang kanyang outside shooting ng lumutang bilang best wing defender ng Smart Gilas habang ang 6’6 na si Ramos ay mas gumaling sa pagtirada sa three point area.
Asam ni Capacio ang makaguhit ng isang titulo buhat sa mahuhusay na starters na pantatapat niya sa mga higante ng liga.
"I'm not saying we're the strongest team in the UAAP now. It's just that we're now more confident than before," pahayag ni Capacio.
Sa kasalukuyan FEU ang may tangan ng pinakamaraming UAAP titles na 19 na lamang ng isang korona sa University of Sto.Tomas at University of The East.
Subalit, lubusang pinaghahandaan ng De La Salle Archers, ang magbubukas na kumperensya sa pamamagitan ng paghahakot ng puntos ni key rookie former San Sebastian high shot Arvie Bringas, habang idedepensa ang kampeonato, bubulusok si reigning MVP Rabeh Al Hussaini ng Ateneo Eagles.
Sa kabilang banda, kinakailangang gwardyahan ng todo sina Reil Cervantes, Jens Knuttel, Paul Sanga, rookie Ryan Garcia at Cameroonian Pipo Noundou ng FEU na kumumpleto ng kanilang two year residency. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending