^

PSN Palaro

Unfinished Business

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Magandang pabaon kay Coach Joseller “Yeng” Guiao ang 94-81 panalo ng Burger King kontra sa Sta. Lucia Realty sa Game Two ng kanilang best-of-three quarterfinals series sa Motolite-PBA Fiesta Conference noong Miyerkules.

Kasi kahit paano’y mayroong ‘something to look forward to” si Guiao pagbalik niya buhat sa Medan, Indonesia kung saan pilit niyang igigiya ang Powerade Team Pilipinas sa kampeonato ng Southeast Asian Basketball Association (SEABA) tournament.

Ang Game Three ng quarterfinals ay gaganapin sa Hunyo 14 pagkatapos ng SEABA tournament.

Kasi nga, kung natalo ang Burger King sa Sta. Lucia noong Martes ay tapos na ang season para sa Whoppers. Ang Realtors ay nanalo sa Game One, 93-84.

Pero siyempre, sasabihin naman ng ilan na mayroong distraction sa isipan ni Guiao at hindi niya maipo-focus ang buo niyang attention sa RP team dahil sa iisipin pa rin niya ang Burger King.

Unfair naman ang ganoong kaisipan, hindi ba?

Mahusay na coach si Guiao at kaya naman niyang ilagay muna sa isang sulok ng kanyang kaisipan ang Burger King at mag-focus sa ‘job at hand.’

Isa pa’y mahinang torneo naman ang SEABA kung kaya’t marami ang nagsasabing kayang-kaya ng Pilipinas ang mga kalaban. Para nga raw ‘overkill’ ang pangyayaring all-pro team pa ang ating ipinadala imbes na yung Smart-Gilas Developmental Team na lang.

Pero kailangan din naman ng Powerade Team Pilipinas ng mga tune-up matches. At magandang pagkakataon ang SEABA tournament para makita ni Guiao kung ano na ang progreso ng kanyang mga bata, kung buo na ang kanilang teamwork. Maganda ‘yung mayroon talaga silang kalabang taga-ibang bansa at hindi yung panay sila-sila na lang ang nagalaban sa ensayo. O kaya’y mga kapwa Pinoy at PBA players din ang kanilang nakakatapat.

Tiyak na kahit na lightweights na maituturing ang kanilang kalaban sa SEABA ay pupukpok nang husto ang Powerade Team Pilipinas. Iyon kasi ang gustong makita ni Guiao.

At sa pag-uwi nila sa Pilipinas bitbit ang championship trophy, panibagong sigla ang dala ni Guiao na ang misyon nama’y igiya sa semifinals ang Burger King.

Sa totoo lang, marami ang na-shock nang matalo ang Whoppers sa Realtors sa Game One. Kasi, llamado ang Burger King bunga ng pangyayaring hindi naman naglalaro para sa Sta. Lucia ang reigning Most Valuable Player na si Kelly Williams na may problema sa dugo. Dapat daw ay nawalis na ng Whoppers ang Realtors.

Pero nangyari na ang nangyari at mayroon nga’ng Game Three.

At least, may babalikan pa si Guiao na “unfinished business.”

ANG GAME THREE

ANG REALTORS

BURGER KING

COACH JOSELLER

GAME ONE

GUIAO

KASI

PERO

POWERADE TEAM PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with