Powerade-RP vs Malaysia
MEDAN, Indonesia -- Magaan na workout lamang ang isinagawa ng Powerade Team Pilipinas upang pagpagin ang pagod na katawan na mula sa mahabang biyahe mula sa Manila. Pagkatapos nito, idineklara na ng Nationals ang kanilang kahandaan sa 8th SEABA championships kung saan makakaharap nila ang Malaysia sa Angkasapura Basketball hall dito.
Haharapin ng RP squad ang Malaysia bandang alas-6 ng gabi (7 p.m. sa Manila) -- para sa una ng apat na magagaan na laban para sa Filipino pro stars na kailangang daanan nila bago opisyal na makakuha ng tiket sa 25th FIBA-Asia championship sa Tianjin, China sa August.
Para kay coach Yeng Guiao, ang laban kontra sa Malaysia ay tatabon sa masamang alaala ng Philippines nang masilat sila ng host team noong 1989 sa Kuala Lumpur SEA Games.
Kasama ni Guiao sina Francis Rodriguez, bilang assistant kay head coach Derrick Pumaren at kabilang sa team noon sina Jun Limpot, Gerry Esplana, Jun Reyes, Larry Villanil, Carlito Mejos, Bonel Balingit at Bong Solomon.
“It was extreme. They (the Malaysians) did everything to win. They didn’t allow us to practice in the playing venue. They allowed us to practice in another venue but we couldn’t practice just the same because the lights were off. Going to the games, our driver would drive us around. We would come with the game already about to start,” paggunita ni Guiao.
Ang talo sa Malaysia ang natatanging kabiguan ng Philippines sa alinmang Southeast Asian joust (SEA Games o SEABA) na kani-lang napaglaruan.
- Latest
- Trending



















