^

PSN Palaro

Semis sa Shakey's V-League na hatid ng Cherifer papalo

-

MANILA, Philippines - Para sa muling pag-atake ng apat na magagaling na koponan ng liga, magtitipan para sa panimulang laban ng best of three series ang UST, SSC, ADU at FEU para sa semis ng sixth Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City ngayon.

Dakong alas-dos, sisiklab ang umaatikabong sagupaan sa pagitan ng defending champion na Adamson at matatapang na Lady Stags, habang tatargetin ng UST ang malinis na marka sa panibagong serye at igugupo ang Far Eastern University sa pag-alas kwatrong laro. 

Para sa live telecast ng pag-haharap ng Final Four, mapapanood ito sa www. V-league.com.

Samantala, bilang nangu-ngunang growth enhancer para sa mga kabataan, magiging pangunahing presenter ang Cherifer sa liga kung saan susi ang katangkaran ng mga manlalaro.

“Cherifer is very happy to join the Shakey's V-League since we believe this tournament is a perfect fit for the product because volleyball is a sport where height can be a decisive advantage,” pahayag ni Leizl L. Abaya, senior product manager ng Intermed.

Sa karagdagan, kitang kita ang adhikain ng Cherifer na ipalaganap ang kagalingan at pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng patas at sportsmanlike competition.

 “We also believe that volleyball is a sport that, if taken care of and supported with leagues such as this, can be another source of national pride now and in the future,” ani Abaya.

 Sa kabilang banda, magtatangka ang UST at SSC na madaig ang kalaban para sa magandang pwesto at makaabante agad sa Finals.

Hangad ng Tigress ang kanilang ikaapat na kampeonato sa ligang organisado ng Sports Vision at suportdao ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare. Subalit pipilitin ng Tamaraws na makabangon mula sa pagkakalugmok nito kontra UST.

 Ang mga bagong kombinasyon at bagong game plan ang gagamitin para matapatan ang nagngungunang UST sa aspeto ng frontline rotation at reception.

 Para sa Stags, pagpupursigehan nilang makapagbigay ng buong lakas para maungusan ang Lady Falcons na tumalo sa Lady Tams noong Martes para angkinin ang No.3 spot. (Sarie Nerine Francisco)

ABAYA

CHERIFER

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

LADY FALCONS

LADY STAGS

LADY TAMS

LEIZL L

MIGHTY BOND

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with